Si P-Noy ang bagong presidente ng bansa, ngunit sa pamumuno nga ba niya tayo ay uunlad? Anu- ano na nga ba ang kanyang nagawa sa ating bansa? Sa tingin ninyo ba may nabago?
Ang aking opinyon ukol sa kanyang pamamalakad, mayroon naman na kaunting pagbabago sa sistema mula ng pamunuan niya tulad ng pagtatangggal ng mga tiwaling kawani ng gobyerno. Hindi rin natin masasabing tayo ay talaga ngang umuulad ngunit hindi dapat tayo magmadali, hindi muna dapat natin husgahan ang kaniyang istilo sa pamumuno sa ating bansa mayroon pang limang taon upang patunayan ang kaniyang kakayahan sa atin. Ang maipapayo ko lamang sa ating presidente huwag na niyang patamaan ang dating administrasyon kundi gumawa na lamang siya ng nararapat at patunayan na lamang na "deserving" siya sa posisyon niya sa ngayon. Kundi patunayan niya sa atin at sa mga nakaraang administrasyon na mayroon siyang isang salita at marunong siyang tumupad sa kaniyang mga pangako noong nangangampanya pa lamang siya. Gumuwa siya ng mga batas na magpapaunlad sa ating ekonomiya at magpapataas at magpapabalik ng respeto ng ibang bansa sa atin.