Miyerkules, Oktubre 5, 2011

P-Noy para sa mga Pinoy


Si P-Noy ang bagong presidente ng bansa, ngunit sa pamumuno nga ba niya tayo ay uunlad? Anu- ano na nga ba ang kanyang nagawa sa ating bansa? Sa tingin ninyo ba may nabago?

Ang aking opinyon ukol sa kanyang pamamalakad, mayroon naman na kaunting pagbabago sa sistema mula ng pamunuan niya tulad ng pagtatangggal ng mga tiwaling kawani ng gobyerno. Hindi rin natin masasabing tayo ay talaga ngang umuulad ngunit hindi dapat tayo magmadali, hindi muna dapat natin husgahan ang kaniyang istilo sa pamumuno sa ating bansa mayroon pang limang taon upang patunayan ang kaniyang kakayahan sa atin. Ang maipapayo ko lamang sa ating presidente huwag na niyang patamaan ang dating administrasyon kundi gumawa na lamang siya ng nararapat at patunayan na lamang na  "deserving" siya sa posisyon niya sa ngayon. Kundi patunayan niya sa atin at sa mga nakaraang administrasyon na mayroon siyang isang salita at marunong siyang tumupad sa kaniyang mga pangako noong nangangampanya pa lamang siya. Gumuwa siya ng mga batas na magpapaunlad sa ating ekonomiya at magpapataas at magpapabalik ng respeto ng ibang bansa sa atin.

Awit ng aking buhay

 THE GIFT (Jim Brickman)
Winter snow is falling down
Children laughing all around
Lights are turning on
like a fairy tale come true.
Sitting by the fire we made
You're the answer when i prayed
I would find someone
and baby I found you.
All I want is to hold you forever
All I need is you more every day
You saved my heart
from being broken apart
You gave your love away
and I'm thankful every day
for the gift.
Watching as you softly sleep
What I'd give if I could keep
Just this moment
if only time stood still.
But the colors fade away
And the years will make us grey
But baby in my eyes
You'll still be beautiful.
All I want is to hold you forever
All I need is you more every day
You saved my heart
from being broken apart
You gave your love away
And I'm thankful every day
for the gift.
(instrumental)
All I want is to hold you forever
All I need is you more every day
You saved my heart
from being broken apart
You gave your love away
I can't find the words to say
That I'm thankful every day
for the gift
Ito ang aking paboritong kanta. Lahat tayo ay may inspirasyon, inspirasyon na nagbibigay ng lakas ng loob at sumusuporta sa atin, ito ang ating pamilya, "special someone", mga kaibigan o barkada at maging ating kaaway.
Itinuturing kong isang regalo ang mga taong nagbibigay inspirasyon, nagbibigay ng suporta at lakas ang loob sa akin. Sila ang higit na  pinakamahalagang regalo sa akin ng Diyos higit pa sa mga materyal na bagay. Sila ang dahilan kung bakit ako nagiging isang mabuti at masayang tao. ang aking pamilya ang patuloy na sumuporta sa akin at gumagabay, ang aking mga kaibigan ang nagbibigay ng opinyon kahit na minsan ay puro kalokohan lamang, at ang aking mga kaaway ang ang dahilan kung kaya ako ay nagiging matatag sa lahat ng oras.

Lunes, Setyembre 5, 2011

"Sampung Taon Mula Ngayon, Heto na Ako"

Sampung taon mula ngayon, heto na ako isang may ari ng umuunlad na shop na pangarap kong maging isang maliking shop sa hinaharap.Hindi man mayaman tulad ng iba ngunit may sapat na para sa pang- araw araw at nakakabili ng ninanais bilhin.
Patuloy na pinag-aaral ang aking mga kapatid sa kolehiyo at sa high school. Si mama ay hindi na nagtatrabaho at naghihirap para sa amin kundi kasama na namin at bumabawi sa paggabay, pag-aaruga at pagmamahal sa amin gayun rin kami sa kanya. Natutulungan ko na rin aking mga tito at tita bilang pagtanaw ng utang na loob sa pag-aaruga at gumagabay sa amin sa ilang taong wala si mama. At ako ay nasa isang matibay na relasyon at handa na para bumuo ng isang pamilya.
Ito ang aking pangarap simple pero masaya!!

Miyerkules, Agosto 31, 2011

Si Crush


Nhoj Dre Esquivel

Crush. Ang crush ay isang uri ng paghanga sa kapwa. Marami ang nagkakaroon ng crush at maging ako man ay mayroon din.

Si John Aldrin Esquivel ang aking crush.Siya ay kasalukuyang nag-aaral sa Central Luzon State University at kumukuha ng Bachelor of Science in Agricultural Engineering, siya ay hindi gaanong katangkaran, maputi, hindi gaanong kagwapuhan, masipag at mabait.Ipinanganak noong June 23,1993. Siya ay dating boyfriend ko, ngunit hanggang ngayon ay aking hinahangaan sa kanyang diterminasyong mag-aral kasabay ng pagtitinda sa palengke. At kahit na sa aming nakaraan ay hindi pa rin siya marunong makalimot bilang isang kaibigan.

Ako Bilang Isang Bagay

PANYO. Sa panyo ko maihahalintulad ang aking sarili.
Ang panyo ang nagiging sandigan ng mga taong may hinanakit, nalulungkot at maging ang masaya.

Ako ay nagiging sandigan rin ng aking mga kaibigan tulad ng panyo kapag sila ay masaya o malungkot. Kapag may problema o wala, gayundin naman sila bilang isang kaibigan. Maging ako man kapag nalulungkot at humaharap sa problema sa pag-aaral , sa buhay pag-ibig at sa pamilya ito ang nagiging sadigan ko kapag akoy malungkot o masaya man.

Ang Aking Pamilya

Ako ay mayroong isang hindi  buong pamilya ngunit masaya. Ang aking mama ay si Dolores Adriosula isang "Overseas Filipino Worker" sa bansang Malaysia, aking ama ay si Rolando Adriosula isang driver ngunit sila ay hiwalay na, si papa ay may sarili ng pamilya. Kasalukuyan kaming nakatira sa aming lolo na si Eustaquio Novelo at ginagabayan namna kami ng aming mga tita.
Ako ay produkto ng isang "Broken family" ngunit kahit na ganoon ay nagiging matatag ako sa lahat ng problema na kinakaharap namin bilang isang pamilya.

lorraine adriosula


Lorraine Adriosula

Ako si Lorraine Adriosula. Nakatira sa Brgy. San Agustin lungsod ng San Jose. Ang mga magulang ko po ay sina Ginoong Rolando Adriosula at si Dolores Novelo. Ipinanganak noong ika-24 ng Mayo. Panganay sa tatlong magkakapatid.
Ako po ay nagtapos sa elementarya sa San Jose West Central School at High School naman sa Constancio Padila National High School. Kasalukuyang nag- aaral sa Central Luzon State University.